“Ito na nga ba? Itong propesyon na ‘to, na kahit isang segundo eh hindi man dumaplis NI MINSAN sa isipan ko? Ito ba talaga eh gagawin ko? Weh?” –Ako. (May mai-quote lang)

Kanina lang, pumunta kami ng Tita at pinsan kong tahimik pa sa pipi, sa Villamor airbase para mag file for exam para maging isang ganap na trainee for Philippine Airforce. Uulitin ko, para maging isang TRAINEE sa PHILIPPINE AIR FORCE. *resume* Habang nasa byahe papuntang Villamor, nag ke-kwento sya ng mga karanasan nya, at ng asawa nya sa training nila NOON. Busy na busy siya sa kaka-kwento pero yung utak ko, lumilipad na parang eroplano sa langit. Lutang, for short. Hindi ko alam kung ano ba ang nahithit ko at mga iniisip ko ng mga panahong yun. Yung Sims3 character ko lang yata? Hindi ko sigurado… Lutang nga. Habang para akong isang karne na nakalagay sa freezer (sa sobrang lamig), eh oo lang ako ng oo sa mga pinagsasabi ng Tita ko na yun. Hindi ko alam kung ano tinatanong nya, baka mamaya tinanong na pala nya ako kung bukas na ba ang End of the World, oo pa din ako.
Makarating sa Airbase, nag fill up na ako ng form, naghintay sa initan, at nagipon ng pawis sa kili kili. Yuck. Ibinigay ang form sa isang kadete kasama ang pawis sa kili kili. Hahaha. Kinuhanan ako ng height, pagkatapos ay ibinigay ang Exam slip. Nung maibigay ang slip, saka ko palang lubos na naisip na yung form na na-fill up-an at ibinigay ko, ay “CANDIDATE SOLDIER Form”. Holy macaroni. Saka palang nag sink in sa akin ang lahat ng may nakita na akong mga military helicopters na lumilipad.(kung hindi niyo naitatanong, fascinated ako sa mga eroplano, at gusto ko makasakay sa helicopter kahit na takot ako sa heights.) “Woooow, ang galing!!” sabi nung voice over sa utak ko. Natanong ko sa sarili ko, hindi na ba ako mag nu-nurse? Ang sabi sakin, pwede daw sana ako as Military Nurse, kaso agad agad may nagsabi din sa akin na isang ‘candidate soldier’ na RN din, e kailangan 21 y/o na, at WALANG OPENING. Unti unting nalusaw yung tanong sa isip ko. Pero hindi na din ako nagulat.
Para sa mga kaibigan kong makakabasa nito, HINDI po ako nagbibiro. Wala akong lakas ng loob sabihin sa mga kaibigan ko ang ginawa kong kabaliwan. Una, dahil baka hindi naman ako pumasa sa exam, nakakahiya naman diba? Pangalawa, malay mo hindi matuloy, kasi mamaya biglang bumuka yung lupa at lamunin ang lahat ng examinees. At pangatlo, paniguradong tatawanan lang nila ako at sasabihing “SERYOSO? WAHAHAHAHAHHAHAHA!!!! IKAW?! SHET! HAHAHAHA!” Oo, naiimagine ko na. Parang mas gusto ko na lang mangyare yung pangalawang pwedeng mangyare, kesa dito sa pangatlo. Sa ngayon, kung tatanungin mo ako kung gusto ko talaga to? Parang oo, nadevelop na lang nung sa AirBase ako at nung naiisip ko yung mga mangyayare. Hindi na nga yata “parang” eh. Oo na talaga. Buo na loob ko. 100%.
SIR, YES SIR!
P.S. Wish me luck sa qualifying exam ko sa December 5. Sana makapasa.
OMG! O.O
OMG! O.O Hahahahaha! (((: Ssssshhh ka lang. (;
Eeee…Sige na nga. Haha! Wala namang nakakahiya dun eh.
Haha. Pag pumasa ako sa qualifying exam, sasabihin ko sa Tralala. Si Jamie alam na din, kasi niyaya ko siya eh. haha!
Oraaayt! Goodluck sa exam! Kung para sa yo, para sa yo talaga.
Thank you! >:D<